The Bike Project: Finished
Nung sabado, nagpunta kami sa Cartimar para buohin na yung project bike ko. Hindi na ko nag Shimano MT15 wheelset dahil hindi pala ibibigay ng 3,650 yung wheelset sakin. Overbudget na ko kung itutuloy ko pa bilhin yung 4,000 na offer nya. Nag-ikot-ikot muna kami para magcanvass ng presyo. Sa Ross cycle nagtanong din ako pero suplado yung lalaking nakausap ko. 1 tanong isang maiksing sagot. Sa Fitpro na ko nagpabuo ng bike kahit suplada yung nag-assist sa akin. Eto specs: Frame: Mosso 2608TB Fork: Suntour XCR 2014 Rims: Alexrims DP20 Spokes: Black Stainless steel Tires: Kenda (don't know the model) Inner tube: Panaracer Cockpit (stem, handlebar, seatpost): Mosso Grips: Dabomb Holyshit Headset: Mosso sealed bearing Pedal: Dabomb Yung saddle na ginamit ko yung generic na nabili ko. Makapal naman at hindi sumasakit pwet ko. Mura at functional kaya di ko na pinalitan. So far, ok naman ang performance nya. Nasubukan ko on roads for 52km. Magaan dalhin. Ma...