The Bike Project: Planning

Etong nakaraang mga buwan nakahanap na ako ng mga biking buddies. Matagal ko nang gusto magbuo ng magandang bike at magbike sa iba't-ibang lugar. Ngayon may reason na ko para masimulan ang aking project bike at makapagretire na ang aking 5 year old beater bike.
Naisipan ko na magbuo ng custom mountain bike. Noong una, GT Avalanche 3.0 2013 ang balak kong bilhin. Built bike na ito at hindi ka na mamimili ng mga piyesa. Kung anong nakakabit, yun na. Sa presyong 18,800 pesos, pinag-isipan ko kung value for money ba base sa mga piyesang nakakabit dito. Pagkatapos ng aking pagreresearch at pagtatanong tanong, nagdesisyon ako na magbuo na lang ng custom bike.
Advantages:
  1. makakapili ako ng piyesang gusto ko
  2. more fun! parts shopping at bargain hunting
  3. di ka na gagastos ng extra di tulad ng built  bike na may mga papalitan ka pang piyesa dahil hindi akma sa taste mo o hindi ka komportable gamitin.
Disadvantage
  1. Posibleng gumastos ka ng mas malaki kumpara sa built bike.
  2. pwedeng magkamali sa pagpili ng pyesa = gastos++
Unang kailangan i-konsider ay kung anong gamit ng bike mo. Gagamitin ko ito pang XC(cross country) at konting trails. Dahil dito, nag-isip ako ng klase ng bike na gagawin ko.
Sa ngayon eto ang listahan ko ng piyesa
  1. Drivetrain - shimano alivio groupset (crank, bottom bracket, front and rear deraileur, hydraulic brakes, hubs, chain...) (6,900 ang pinakamura kong nakita sa online sellers)
  2. Frame - Mosso (2608TB) aluminum 7001 frame ito. 1.78kilos. magaan kaya maganda sa mga malayuang biyahe. (estimated price sa cartimar - 4,800)
  3. Fork - pinag-iisipan ko kung rigid fork o shock absorber fork. budget ko 2500. SR Suntour XCM or XCR ang target ko para dito since magtratrail biking ako, importante ang shock absorber.
  4. Rims - mavic 223 - 650 per piece ang pinakamura sa net, sana mas mura sa cartimar.
  5. tires - maxxis, continental o kenda. yung tig-600 lang
  6. headset - wala pa
  7. stem - ABR sana around 600-800
  8. handle bar - ABR din 600-800
  9. seatpost - ABR din para terno lahat 600-800
  10. saddle - velo around 600
paunti unti kong bibilhin hanggang mabuo ko.  

Comments

Popular posts from this blog

Review: Smirnoff Mule

Review: Andy Player Whisky and Cola

Beer Review: San Miguel Cerveza Negra