Posts

Showing posts from July, 2013

The Bike Project: Finished

Image
Nung sabado, nagpunta kami sa Cartimar para buohin na yung project bike ko. Hindi na ko nag Shimano MT15 wheelset dahil hindi pala ibibigay ng 3,650 yung wheelset sakin.  Overbudget na ko kung itutuloy ko pa bilhin yung 4,000 na offer nya. Nag-ikot-ikot muna kami para magcanvass ng presyo. Sa Ross cycle nagtanong din ako pero suplado yung lalaking nakausap ko. 1 tanong isang maiksing sagot. Sa Fitpro na ko nagpabuo ng bike kahit suplada yung nag-assist sa akin. Eto specs: Frame: Mosso 2608TB Fork: Suntour XCR 2014 Rims: Alexrims DP20 Spokes: Black Stainless steel Tires: Kenda (don't know the model) Inner tube: Panaracer Cockpit (stem, handlebar, seatpost): Mosso Grips: Dabomb Holyshit Headset: Mosso sealed bearing Pedal: Dabomb Yung saddle na ginamit ko yung generic na nabili ko. Makapal naman at hindi sumasakit pwet ko. Mura at functional kaya di ko na pinalitan. So far, ok naman ang performance nya. Nasubukan ko on roads for 52km. Magaan dalhin. Ma...

The Bike Project: Groupset

Image
Una kong nabili ay ang drivetrain ng project ko. Shimano Alivio ang groupset na binili ko. Mga kasama dito ay: Front Deraileur Rear Deraileur Rapid Fire Shifters Hydraulic Brake Set Rotors Chain Hub 9 Speed Cassette Crank + Bottom Bracket Nakuha ko to ng 1k pesos cheaper dahil sa online seller ko ito nabili. 6,900 ang benta nya sakin. Balak ko hindi na gamitin yung kasamang hub dahil Shimano MT15 Wheelset ang bibilhin ko. Mas magaan daw saka 28 holes sya compared sa standard na 36 holes. Reliable din daw.

The Bike Project: Planning

Etong nakaraang mga buwan nakahanap na ako ng mga biking buddies. Matagal ko nang gusto magbuo ng magandang bike at magbike sa iba't-ibang lugar. Ngayon may reason na ko para masimulan ang aking project bike at makapagretire na ang aking 5 year old beater bike. Naisipan ko na magbuo ng custom mountain bike. Noong una, GT Avalanche 3.0 2013 ang balak kong bilhin. Built bike na ito at hindi ka na mamimili ng mga piyesa. Kung anong nakakabit, yun na. Sa presyong 18,800 pesos, pinag-isipan ko kung value for money ba base sa mga piyesang nakakabit dito. Pagkatapos ng aking pagreresearch at pagtatanong tanong, nagdesisyon ako na magbuo na lang ng custom bike. Advantages: makakapili ako ng piyesang gusto ko more fun! parts shopping at bargain hunting di ka na gagastos ng extra di tulad ng built  bike na may mga papalitan ka pang piyesa dahil hindi akma sa taste mo o hindi ka komportable gamitin. Disadvantage Posibleng gumastos ka ng mas malaki kumpara sa built bike. pwedeng ma...